Ano Ang Kahulugan Ng Pagluksa
Ano ang kahulugan ng pagluksa
Ang pagluksa ay paghahayag ng matinding sakit at kirot sa damdamin. Sa pamamagitan ng taimtim na pakikiramay at pag-iyak naipakikita na ang isa ay nagluluksa.
Lahat tayo ay nagluluksa kapag namatay ang mahal natin sa buhay. Siyempre pa, malungkot tayo dahil sa pangyayari pero ang pagluluksa ay mas malamin na damdamin kaysa pagkadama ng kawalan.
Sa ilang bansa, ang isa na nagluluksa ay nararapat na magsuot ng pantanging kasuotan para payapain ang namatay. Naghahanda pa nga ang ilan ng maliit na piging pagkatapos ng libing. O di kaya naman ay kailangang dumaan sa libingan at pagkatapos ay maghahagis ng lupa sa kabaong.
Gayunpaman, iniiwasan ng isang Kristiyano ang mga kaugaliang ito na kinikilala bilang seremonya para payapain ang namatay at kung pinangangasiwaan ito ng ministro ng huwad na relihiyon.
Comments
Post a Comment