Bakit Masama Ang Magnakaw Katulad Ng Pagnakaw Sa Tindahan

Bakit masama ang magnakaw katulad ng pagnakaw sa tindahan

Ang pagnanakaw ay pagkuha ng hindi nagpapaalam sa pag-aari ng ibang tao. Magnanakaw ang tawag sa taong gumagawa ng pagnanakaw.

Bakit ginagawa ito ng mga tao?

Pangunahing dahilan ng mga magnanakaw ay dahil sa kanilang mahigpit na pangangailangan. Ayon sa magasing Seventeen: "Sa isang surbey na isinagawa ng National Crime Prevention Council, ang pangkaraniwang dahilan na ibinibigay ng mga nagkakasala ay na ibig nila ng isang bagay na libre." Nangangatwiran pa nga ang mga kabataang ito na ang pagnanakaw ay paraan para mabawasan ang kanilang pagkabagot. Gusto nila ang katuwaang nadarama kapag may mga bagay sila na isinisilid sa kanilang bag.

Ano ang resulta ng pagnanakaw?

Siyempre pa, nakararanas ng pagkapahiya ang mga magnanakaw kapag sila ay nahuli. Malala pa ay ang kanilang pagkakakulong ng mahabang panahon. Pinatitigas ng pagnanakaw ang puso ng isa. Halimbawa, sa una nang-uumit sya ng pera sa pitaka ng kanyang nanay at kalaunan ay nang-aagaw na sya ng pitaka sa mga matatandang babae.

Pwede kang magbago!

Sinasabi ng Exodo 20:15- "Huwag kang magnanakaw."

Totoo naman na hindi madali ang paghinto dito pero makatutulong kung titingnan mo ang pangmalas ng Diyos sa pagnanakaw. Humingi ka ng tulong sa iyong mga magulang dahil sa kanila unang magmumula ang suporta. Huwag kang mahiya na ipakipag-usap ito sa kanila. Muli isaisip mo ang magiging resulta kapag ginawa mo ulit iyon. Isipin ang magiging kahihiyan nito para sa iyo, sa magulang mo at sa Diyos.

Higit sa lahat, pumili ka ng mabuting kasama na makakaimpluwensya sa iyo ng magagandang pag-uugali. (1 Corinto 15:33)


Comments

Popular posts from this blog

Ano-Ano Kayang Mga Trabaho Ang Kakailanganin Ng Lipunan Lima O Sampung Taon Mula Ngayon? Ipaliwanag.

Paano Nakaligtas Sa Tiyak Na Kapahamakan Si Basilio

Which Of The Following Characteristic Best Describe Gas