Paano Naiiba Ang Buhay Na Ipinagkaloob Sa Tao Kung Ikukumpara Sa Buhay Ng Diyos

Paano naiiba ang buhay na ipinagkaloob sa tao kung ikukumpara sa buhay ng diyos

Ang buhay ng tao ay nagmula sa Isa na nakahihigit ang buhay. Tinatawag natin siya bilang Diyos na Maylikha. Nagsisimula ang buhay ng isang tao sa sinapupunan pa lamang at siyempre nagbabago ang unawa natin sa buhay kapag tayo ay nagkaisip na at nagkaroon na ng reputasyon ang ating pangalan.

Pero maiisip mo, mayroon bang stage by stage na pagkaunawa ang Diyos sa kaniyang sarili para masabi niyang, "Ito talaga ang buhay!". Puwede mo pang idugtong, Paano siya umiral? May nagturo din ba sa kaniya? Ipinapaliwanag ito ng kaniyang mismong sariling aklat, ang Bibliya.

Awit 90:2

Bago naisilang ang mga bundok

O bago mo ginawa ang lupa at ang mabungang lupain,

Mula sa panahong walang pasimula hanggang sa panahong walang wakas, ikaw ang Diyos.

Ipinakikita ng talatang ito na walang pasimula ang Diyos, walang lumikha sa kaniya. Umiiral na siya mula pa sa walang takdang petsa at hindi din magtatapos ang pag-iral niya. Kaya wala pang kahit na ano, umiiral na siya. Walang sinuman ang makaaabot ng ganiyang unawa kasi wala namang sinuman sa atin ang nakaranas niyan. Ni wala ding Isa na makapagtuturo sa kaniya ng anumang unawa, kapangyarihan at iba pang mahahalagang katangian. Mayroong na siya nito sa ganap na diwa o antas. Kaya naman ang pagkakaroon ng ideya na lumikha ng tao ayon sa kaniyang larawan ay isang pambihirang bagay. Kaya ito tayo ngayon, hinahanap Siya.  

Sinasabi mismo ng Eclesiastes 3:11 ang ganitong katotohanan: "Ginawa niyang maganda ang lahat ng bagay sa tamang panahon nito. Inilagay pa nga niya sa puso nila ang magpakailanman; pero hinding-hindi mauunawaan ng sangkatauhan ang lahat ng gawa ng tunay na Diyos mula pasimula hanggang wakas."

Kaya tunay na hinahanap natin Siya, inaalam natin ang mayroon Siya. Pero gaya ng sabi, hindi natin lubusang mapapantayan ang anumang ginawa niya, nagagawa niya at gagawin pa niya. Pero ang lahat ng iyon ay may pribilehiyo tayong makita ng sulyap at maligayahan.


Comments

Popular posts from this blog

Ano-Ano Kayang Mga Trabaho Ang Kakailanganin Ng Lipunan Lima O Sampung Taon Mula Ngayon? Ipaliwanag.

Paano Nakaligtas Sa Tiyak Na Kapahamakan Si Basilio

Which Of The Following Characteristic Best Describe Gas