Paano Nakaligtas Sa Tiyak Na Kapahamakan Si Basilio
Paano nakaligtas sa tiyak na kapahamakan si Basilio
Basilio:
Nakaligtas sa tiyak na kapahamakan si Basilio nang makatakas siya mula sa mga guwardiya sibil.
Nang makatiyempo si Basilio ay agad itong patakas na lumabas ng simbahan. Mula sa bintana ng kampanaryo ay nagpatihulog ito ng padausdos hanggang sa siya ay tuluyan ng makalabas ng simbahan. Agad na tinugis si Basilio ng mga guwardiya sibil nang malaman na siya ay tumakas mula sa simbahan. Sa kanyang pagnanais na agad na makauwi ay hindi nito pinansin ang sugat sa kanyang ulo na dulot ng pagbaril ng isang guwardiya sibil. Agad na ginamot ni Sisa ang sugat sa ulo ng anak at matapos ay hinayaan itong makapagpahinga. Kinabukasan, habang himbing pa sa pagtulog si Basilio ay tinungo ni Sisa ang kumbento upang alamin ang kalagayan ni Crispin.
Sa pagbabalik ni Sisa sa kanilang tahanan ay nakasalubong niya nag dalawang guwardiya sibil at pilit na hinahanap ang dalawang onsa na hindi umano ay ninakaw ni Crispin. Isinama ng mga ito si Sisa sa kuwartel at ikinulong ng kalahating araw. Nang mga oras na iyon ay nakatakas na si Basilio mula sa mga guwardiya sibil na nagtungo sa kanilang tahanan. Napadpad siya sa isang kubo na yari sa balu - baluktot na sanga ng kahoy na nakatayo sa libis ng isang bundok. Dito ay may isang mag - anak na tagalog na nabubuhay dahil sa pangangaso at pangangahoy. Dito ay namalagi si Basilio ng dalawang buwan habang tuluyan nagpapagaling ng kanyang mga natamong sugat.
Keywords: Basilio, kapahamakan
Kabanata 63 ng Noli Me Tangere: brainly.ph/question/2148436
#LetsStudy
Comments
Post a Comment